Pagpapasa

 

Huling binagong paksa: 2010-08-12

Gamitin ang Pagpapasa upang awtomatikong ipasa ang lahat ng e-mail na ipinadala sa iyong Outlook Web App account patungo sa isa pang account.

Paano ko ise-set up ang pagpapasa?

  1. Pumunta sa Mga Opsyon > Account > Mga Nakakonektang Account.
  2. Sa ilalim ng Pagpapasa, ipasok ang e-mail address ng account na gusto mong pagpasahan ng lahat ng e-mail.
  3. Kung gusto mong magpanatili ng mga kopya ng mga mensahe na ipinadala sa iyong account, piliin ang Magpanatili ng kopya ng mga ipinasang mensahe sa Outlook Web App.
  4. I-click ang I-save upang i-save ang iyong mga pagbabago at simulan ang pagpapasa ng lahat ng mga papasok na mensahe sa isa pang account.

Ano pa ang kailangan kong malaman?

  • Upang itigil ang pagpapasa ng mga mensahe, i-click ang Itigil ang Pagpapasa.
  • Kung nagpapanatili ka ng kopya ng mga ipinasang mensahe, dapat mong suriin ang iyong Outlook Web App account nang regular upang matiyak na hindi ka lumagpas sa limitasyon ng laki ng mailbox. Kung lumagpas ka sa limitasyon ng laki ng mailbox, maaaring hindi mapasa ang mga bagong mensahe.
  • Hindi nilayon ang Mga Nakakonektang Account at Pagpapasa na magamit nang sabay. Gamitin ang Mga Nakakonektang Account kapag gusto mong maihatid ang e-mail na ipinapadala sa mga ibang account na pagmamay-ari mo ang Outlook Web App. Gumamit ng Pagpapasa upang ang e-mail na ihinahatid sa iyong Outlook Web App account ay maipasa sa mga ibang account.
 
Mga nauugnay na paksa ng tulong
Naglo-load...
Walang natagpuang mga mapagkukunan.