Naglalaman ng video ang paksang ito Naglalaman ng video ang paksang ito

Makipag-chat sa Outlook Web App

 

Nalalapat sa: Office 365 for professionals and small businesses, Office 365 for enterprises, Microsoft Exchange, Live@edu

Huling binagong paksa: 2012-12-05

Pinapakita sa iyo ng paksang ito, na may kasamang video, kung paano makipagchat gamit ang Outlook Web App. Maaari mong gamitin ang Listahan ng Contact Outlook Web App upang makipag-chat sa mga kaibigan at katrabaho, tulad ng kung paano mo gamitin ang MSN Messenger, Office Communicator, o anumang serbisyo ng instant messaging.

noteTandaan:
Maaaring hindi available ang tampok na ito para sa iyong account.
noteTandaan:
Nalalapat ang impormasyong ito sa karaniwang bersyon ng Outlook Web App. Hindi available ang tampok na inilalarawan sa Outlook Web App Light.
Video: Paggamit ng Chat sa Outlook Web App

Ipinapakita sa iyo ng video na ito kung paano gamitin ang iyong Listahan ng Contact upang pamahalaan ang mga contact at makipag-chat sa mga kaibigan at katrabaho.

4873755a-8b1e-497e-bc54-101d1e75d3e7
noteTandaan:
Upang panoorin ang video na ito, dapat kang mayroong Silverlight na naka-install. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano i-install ang Silverlight, tingnan ang Kumuha ng Silverlight.

Ano pa ang kailangan kong malaman?

  • Ang may kulay na tuldok na katabi ng iyong pangalan sa tuktok ng window ng Outlook Web App ay nagsasaad ng iyong availability. I-click ang down arrow na katabi ng tuldok upang baguhin ang iyong katayuan ng availability o upang mag-sign out sa IM.

  • Sa unang pagkakataon na iyong gamitin ang Listahan ng Contact, mapo-prompt ka na ilagay ang iyong password ng account at i-click ang Mag-sign In. Piliin ang Tandaan ang aking password kung ayaw mong ilagay ang iyong password para sa chat bawat pagkakataon na gamitin mo ito.

  • Hindi kaparehas ng Listahan ng Contact na ginagamit mo para sa pag-chat ang folder ng Mga Contact, na ginagamit mo upang mag-imbak ng impormasyon tungkol sa mga tao at grupo.

  • Kung mag-sign in ka sa iyong mailbox sa pamamagitan ng Web address tulad ng http://mail.office365.com o http://outlook.com, ginagamit mo ang cloud-based na serbisyo at maaaring makipag-chat sa sinumang gumagamit ng chat sa Hotmail, MSN, Windows Live, AOL, o Yahoo!. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano matukoy kung gumagamit ka ng cloud-based na serbisyo, tingnan ang Paano Mag-sign In sa Iyong E-Mail Gamit ang Isang Web Browser.

  • Kung ginagamit mo ang serbisyong cloud-based, maaari mo ring pamahalaan ang iyong mga contact sa chat sa pamamagitan ng paggamit ng Windows Live Messenger.

  • Kung hindi ka gumagamit ng cloud-based na mailbox, maaari kang malimitahan sa pagkikipag-chat sa mga user sa iyong samahan. Kung gayon, magagamit mo ang Office Lync 2010, bilang karagdagan sa Outlook Web App, upang mapamahalaan ang iyong mga contact sa pakikipag-chat.

 
Mga nauugnay na paksa ng tulong
Naglo-load...
Walang natagpuang mga mapagkukunan.