I-install at Isaayos ang Windows PowerShell

 

Nalalapat sa: Office 365 for professionals and small businesses, Office 365 for enterprises, Live@edu

Huling binagong paksa: 2010-05-18

Bago mo magamit ang Windows PowerShell, tiyaking na-install at na-configure mo ang tamang mga bersyon ng Windows PowerShell at Windows Remote Management (WinRM) na naka-install at naka-configure sa iyong computer. Kailangan mong gamitin ang Windows Management Framework, na naglalaman ng tamang mga bersyon ng Windows PowerShell v2 at WinRM 2.0.

Kung nagpapatakbo ang iyong computer ng Windows 7 o Windows Server 2008 R2, hindi mo kailangang mag-install ng anuman. Naka-install na ang Windows Management Framework.

Maaari mong i-download at i-install ang Windows Management Framework kung ang iyong computer ay nagpapatakbo ng isa sa sumusunod na mga operating system:

  • Windows Vista Service Pack 1 (SP1) o SP2

  • Windows Server 2008 SP1 o SP2

  • Windows Server 2003 SP2

  • Windows XP SP3

Magsimula tayo:

  1. I-uninstall ang nakaraang mga bersyon ng Windows PowerShell mula sa iyong computer

  2. I-uninstall ang nakaraang mga bersyon ng WinRM mula sa iyong computer

  3. Mag-install ng Windows Management Framework

  4. I-verify na maaaring magpatakbo ng mga script ang Windows PowerShell

  5. I-verify na pinapayagan ng WinRM ang Windows PowerShell na kumonekta

1. I-uninstall ang nakaraang mga bersyon ng Windows PowerShell mula sa iyong computer

Bago mo maaaring ma-install ang Windows Management Framework, kailangan mong i-uninstall ang anumang umiiral na mga bersyon ng Windows PowerShell.

Tandaan   Hindi kinakailangan ang hakbang na ito para sa Windows 7 o Windows Server 2008 R2.

I-uninstall ang Windows PowerShell mula sa Windows Vista

  1. Sa Control Panel, sa Programs, buksan ang Programs and Features, at i-uninstall ang anumang bahagi ng Windows PowerShell na lumilitaw sa listahan ng mga naka-install na program. Halimbawa, ang Community Technology Preview (CTP) na bersyon ng Windows PowerShell v2 ay maaaring lumitaw bilang Windows PowerShell (TM) V2.

  2. Sa ilalim ng Tasks, piliin ang View installed updates at i-uninstall ang anumang bahagi ng Windows PowerShell na lilitaw sa listahan ng naka-install na mga update. Halibawa, maaaring lumitaw ang Windows PowerShell V1 bilang update sa Windows na isa sa sumusunod na numero ng artikulo ng Microsoft Knowledge Base:

    • KB928439

    • KB923569

I-uninstall ang Windows PowerShell mula sa Windows Server 2008

  1. Simulan ang Tagapamahala ng Server at pumunta sa Mga Tampok.

    1. I-click ang I-uninstall ang Mga Tampok.

    2. Piliin ang Windows PowerShell at sundin ang mga direksiyon upang i-uninstall.

  2. Sa Control Panel, sa Programs, buksan ang Programs and Features, at i-uninstall ang anumang bahagi ng Windows PowerShell na lumilitaw sa listahan ng mga naka-install na program.

  3. Sa ilalim ng Tasks, piliin ang View installed updates. I-uninstall ang anumang bahagi ng Windows PowerShell na lilitaw sa listahan ng naka-install na mga update.

Tuktok ng pahina

I-uninstall ang Windows PowerShell mula sa Windows Server 2003 at Windows XP

  1. Sa Control Panel, buksan ang Add or Remove Programs, at i-uninstall ang anumang bahagi ng Windows PowerShell na lumilitaw sa listahan ng mga naka-install na program.

  2. Sa Add or Remove Programs, piliin ang Show updates. I-uninstall ang anumang bahagi ng Windows PowerShell na lilitaw sa listahan ng naka-install na mga update. Halibawa, maaaring lumitaw ang Windows PowerShell V1 bilang update sa Windows na may numero ng artikulo na KB926139 sa Knowledge Base.

Tuktok ng pahina

2. I-uninstall ang nakaraang mga bersyon ng WinRM mula sa iyong computer

Bago mo maaaring ma-install ang Windows Management Framework, dapat mong i-uninstall ang anumang umiiral nang mga bersyon ng WinRM.

Tandaan   Hindi kinakailangan ang hakbang na ito para sa Windows 7 o Windows Server 2008 R2.

I-uninstall ang WinRM mula sa Windows Vista or Windows Server 2008

  1. Sa Control Panel, sa Programs, buksan ang Programs and Features, at i-uninstall ang anumang bahagi ng Windows Remote Management na lumilitaw sa listahan ng mga naka-install na program.

  2. Sa ilalim ng Tasks, piliin ang View installed updates. I-ininstall ang anumang bahagi ng Windows Remote Management na lumilitaw sa listahan ng naka-install na mga update. Halibawa, maaaring lumitaw ang Community Technology Preview (CTP) of WinRM 2.0 bilang WindowsRemoteManagement na may isa sa sumusunod na mga numero ng artikulo ng Knowledge Base:

    • KB936059

    • KB950099

I-uninstall ang Windows PowerShell mula sa Windows Server 2003 at Windows XP

  1. Sa Control Panel, buksan ang Add or Remove Programs, at i-uninstall ang anumang bahagi ng Windows Remote Management na lumilitaw sa listahan ng mga naka-install na program.

  2. Sa Add or Remove Programs, piliin ang Show updates. I-ininstall ang anumang bahagi ng Windows Remote Management na lumilitaw sa listahan ng naka-install na mga update. Halimbawa, maaaring lumitaw ang WinRM bilang update sa Windows na may numero ng artikulo na KB936059 sa Knowledge Base.

Tuktok ng pahina

3. Mag-install ng Windows Management Framework

  • Mag-download at mag-install ng Windows Management Framework. Pumili ng package na may kasamang Windows PowerShell v2 at WinRM 2.0, at ang nalalapat sa iyong operating system, system architecture, at language.

    Matapos mong i-install ang WinRM at Windows PowerShell, i-configure ang software upang gumana nang tama gaya ng nilarawan sa susunod na mga hakbang.

    Tandaan   Kung ang iyong lokal na computer ay protektado ng Microsoft Internet Security and Acceleration (ISA) na server, maaaring kailangang mong i-install ang Windows Firewall Client o mag-configure ng proxy server sa iyong lokal na computer upang ikonekta ang Windows PowerShell sa serbisyong batay sa cloud. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Windows PowerShell: Mga FAQ para sa Mga Administrator.

Tuktok ng pahina

4. I-verify na maaaring magpatakbo ng mga script ang Windows PowerShell

  1. I-click ang Start > All Programs > Accessories > Windows PowerShell.

  2. Gawin ang isa sa sumusunod upang buksan ang Windows PowerShell:

    • Kung nagpapatakbo ka ng Windows Vista, Windows 7, o Windows Server 2008 R2, mag-right-click sa Windows PowerShell at piliin ang Run as administrator. Kung makakuha ka ng prompt sa pagkontrol sa user account na nagtatanong kung nais mong magpatuloy, itugon ang Continue.

    • Kung gumagamit ka ng Windows XP o Windows Server 2003, i-click ang Windows PowerShell.

  3. Patakbuhin ang sumusunod na command:

    Get-ExecutionPolicy
    
  4. Kung ang halagang ibinalik ay iba maliban sa RemoteSigned, kailangan mong baguhin ang halaga sa RemoteSigned.

    Tandaan   Kapag nagtakda ka ng patakaran sa pagpapatupad ng script sa RemoteSigned, maaari ka lamang magpatakbo ng mga script na iyong nililikha sa iyong computer o mga script na may tatak ng pinagkakatiwalaang source.

Paganahin ang mga script upang tumakbo sa Windows PowerShell

Sa Windows PowerShell session na iyong binuksan bilang isang administrator, patakbuhin ang sumusunod na command:

Set-ExecutionPolicy RemoteSigned

Tuktok ng pahina

5. I-verify na pinapayagan ng WinRM ang Windows PowerShell na kumonekta

  1. I-click ang Start > All Programs > Accessories.

  2. Gawin ang isa sa sumusunod upang buksan ang command prompt:

    • Kung nagpapatakbo ka ng Windows Vista, Windows 7, o Windows Server 2008 R2, mag-right-click sa Command Prompt at piliin ang Run as administrator. Kung makakuha ka ng prompt sa pagkontrol sa user account na nagtatanong kung nais mong magpatuloy, itugon ang Continue.

    • Kung nagpapatakbo ka ng Windows XP o Windows Server 2003, i-click ang Command Prompt.

  3. Sa command prompt, patakbuhin ang sumusunod na mga command:

    net start winrm
    winrm get winrm/config/client/auth
    

    Tandaan   Kung tumatakbo na ang serbisyong WinRM, hindi mo kailangang simulan ito. Maaari mong suriin ang katayuan ng serbisyong WinRM sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng command na sc query winrm.

  4. Sa mga resulta, hanapin ang halaga na Basic = . Kung ang halaga ay Basic = false, kailangan mong baguhin ang halaga sa Basic = true.

    Tandaan   Kung sinimulan mo na ang serbisyong WinRM, at hindi mo gustong baguhin ang Basic na halaga, patakbuhin ang command na net stop winrm upang itigil ang serbisyong WinRM.

I-configure ang WinRM upang suportahan ang pangunahing pagpapatunay

  1. Sa command prompt na kakabukas mo pa lang bilang isang administrator, patakbuhin ang sumusunod na mga command: Ang halaga sa pagitan ng mga brace { } ay case-sensitive:

    winrm set winrm/config/client/auth @{Basic="true"}
    
  2. Sa command output, i-verify ang halaga na Basic = true.

    Tandaan   Kung sinimulan mo na ang serbisyong WinRM, patakbuhin ang command na net stop winrm upang itigil ang serbisyong WinRM.

Tuktok ng pahina

 
Mga nauugnay na paksa ng tulong
Naglo-load...
Walang natagpuang mga mapagkukunan.