Naglalaman ng video ang paksang ito Naglalaman ng video ang paksang ito

I-access ang Iyong Account Gamit ang Mga Programang E-mail na IMAP o POP

 

Nalalapat sa: Office 365 for professionals and small businesses, Office 365 for enterprises, Microsoft Exchange, Live@edu

Huling binagong paksa: 2012-07-31

Kung sinusuportahan ng iyong e-mail account ang POP3 at IMAP4, makakapili ka mula sa ilang iba-ibang e-mail program na POP3 at IMAP4 upang makakonekta sa iyong account. Nag-iiba-iba ang mga tampok na sinusuportahan ng bawat e-mail program. Para sa mas marami pang impormayon tungkol sa mga tampok na inaalok ng mga partikular na e-mail program na POP3 at IMAP4, tingnan ang dokumentasyon na kasama sa bawat program.

Kung sumusuporta sa mga Exchange account (halimbawa, Microsoft Outlook, Microsoft Entourage 2008, o Apple Mail para sa Mac) ang e-mail program na ginagamit mo, inirerekomenda namin na mag-set up ka ng koneksyon sa Exchange sa iyong account sa halip na isang koneksyon sa POP o IMAP. Mas maraming tampok ang sinusuportahan ng mga koneksyon sa Exchange kaysa sa mga koneksyon sa POP o IMAP. Para sa higit pang impormasyon tingnan ang Sinusuportahang Mga E-Mail Program at Mga tampok.

noteTandaan:
Kung hindi mo alam kung sinusuportahan ng iyong e-mail account ang POP3 at IMAP4, makipag-ugnay sa taong namamahala ng iyong mailbox (minsang tinatawag na administrator ng e-mail).
Mga Tagubilin para sa Amazon Kindle Fire

Mga tagubilin para sa mga program na POP3 at IMAP4

Kung ang program na ginagamit mo ay hindi nakalista sa itaas, gamitin ang sumusunod na impormasyon upang i-set up ito upang makuha ang iyong e-mail:

  • User name   Ipasok ang iyong user name (halimbawa, tony@contoso.com).

  • Password   Ilagay ang iyong password.

  • Pagpapatotoo   Gamitin ang parehong user name at password upang patotohanan sa server para sa papasok o papalabas (nagpapadala) na e-mail. Huwag gamitin ang "Secure na Papgpapatotoo ng Password".

  • Mga pangalan ng server, port number, at pamamaraan ng pag-e-encrypt   Bago mo i-set up ang iyong e-mail program na POP3 o IMAP4, kailangan mong tingnan ang mga setting ng sarili mong POP3, IMAP4, at SMTP server.

    Panoorin ang video na ito upang matutunan kung paano hahanapin ang mga setting ng iyong server para sa e-mail program na POP o IMAP.

    4873755a-8b1e-497e-bc54-101d1e75d3e7

    Upang mahanap ang mga setting ng iyong server, mag-sign in sa iyong e-mail account gamit ang Outlook Web App. Pagkatapos mong mag-sign in, i-click ang Mga pagpipilian > Tingnan Lahat ng Pagpipilian > Account > Aking Account > Mga Setting para sa pag-access sa POP, IMAP, at SMTP. Nakalista ang pangalan ng POP3, IMAP4, at SMTP server at iba pang mga setting na maaaring kailangan mong ilagay sa pahina ng Mga setting ng Protocol sa ilalim ng Setting ng POP o setting ng IMAP, at setting ng SMTP.

    noteTandaan:
    Kung makakita ka ng Hindi available sa tabi ng setting ng POP, setting ng IMAP, at setting ng SMTP, maaaring hindi naka-set up ang iyong account para gumamit ng mga e-mail program na POP o IMAP. Para sa mas marami pang impormasyon, makipag-ugnay sa taong namamahala sa iyong e-mail account.

Ano pa ang kailangan kong malaman?

  • Mga pamamaraan ang Secure Sockets Layer (SSL) at Transport Layer Security (TLS) upang makatulong sa pag-secure ng ugnayan sa pagitan ng iyong computer at server ng e-mail. May ilang e-mail program ang tumuturing sa SSL o TLS bilang "pag-encrypt". Sa karamihan ang mga e-mail program, kailangan mong magbukas ng setting o tab na "Advanced" upang mag-set ng SSL para sa mga koneksyong POP at IMAP at TLS para sa koneksyong SMTP.

  • Maaaring awtomatikong gamitin ng iyong e-mail program ang port 110 kung gumagamit ka ng POP o port 143 kung gumagamit ka ng IMAP. Kung gumagamit ng port 110 o 143 ang iyong e-mail program, siguraduhing piliin ang pag-encrypt ng SSL. Pagkatapos, maglagay ng port number na 995 para palitan ang default na port number (110) kung gumagamit ka ng POP o isang port number na 993 para palitan ang default na port number (143) kung gumagamit ka ng IMAP.

  • Maaaring awtomatikong subukan ng iyong e-mail program na gamitin ang port 25 para sa SMTP. Kung ipinapakita ng iyong e-mail program ang port 25 para sa SMTP, siguraduhing piliin ang pag-encrypt ng TLS. Pagkatapos, ipasok ang 587 para palitan ang default na port number, na naka-set sa 25.

  • Kung ang iyong e-mail account ay isang uri na nangangailangan ng pagpaparehistro, dapat mo itong iparehistro sa unang beses na mag-sign in ka sa Outlook Web App. Ang pagkonekta sa iyong e-mail account sa pamamagitan ng POP3 o IMAP4 ay mabibigo kung hindi mo pa naiparehistro ang iyong account sa Outlook Web App. Pagkatapos mong mag-sign in sa iyong account, mag-sign out. Pagkatapos ay subukang kumonekta gamit ang iyong POP3 o IMAP4 program. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-sign in sa iyong account gamit ang Outlook Web App, tingnan ang Paano Mag-sign In sa Iyong E-Mail Gamit ang Isang Web Browser. Kung nagkakaroon ka ng problema sa pag-sign in, tingnan ang Mga FAQ: Mga Isyu sa Pag-sign in at Password o makipag-ugnay sa taong namamahala ng iyong e-mail account.

Paano kung nais kong makaalam nang higit pa?

 
Mga nauugnay na paksa ng tulong
Naglo-load...
Walang natagpuang mga mapagkukunan.