I-set Up ang Mail para sa Mac OS X para sa Access na IMAP o POP sa Iyong E-Mail Account

 

Nalalapat sa: Office 365 for professionals and small businesses, Office 365 for enterprises, Microsoft Exchange, Live@edu

Huling binagong paksa: 2012-05-10

Makakakonekta ka ng Mail para sa Mac OS X sa iyong e-mail account gamit ang pagkakakonekta ng POP3 o IMAP4. Nalalapat ang mga hakbang na ito sa Mac OS 10.4 Tiger at Mac OS 10.5 Leopard.

Kung nagpapatakbo ka ng OS 10.6 Snow Leopard o Mac OS 10.7 Lion, tingnan ang seksyong "Paano kung nais kong may malaman pa?" sa dulo ng paksang ito.

Paano ako magse-set up ng Mail para sa Mac OS X para sa pag-access sa POP3 o IMAP4 sa aking e-mail account?

  1. Buksan ang Mail, at pagkatapos, gawin ang isa sa sumusunod:

    • Kung hindi ka pa kailanman nakakapag-set up ng anumang mga e-mail account gamit ang Mail, lilitaw ang pahinang Maligayang pagdating sa Mail. Pumunta sa hakbang 2.

    • Kung nakagawa ka na ng mga e-mail account gamit ang Mail, sa menu na Mail, i-click ang Mga Kagustuhan. Sa tab na Mga Account, i-click ang plus sign (+) sa ibaba ng pane na nabigasyon upang buksan ang window na Magdagdag ng Account.

  2. Sa window na Maligayang pagdating sa Mail o Magdagdag ng Account:

    1. Sa kahon na Buong Pangalan, ilagay ang pangalang nais mong ipakita sa mga taong pinapadalan mo ng e-mail.

    2. Sa kahon na Email Address, ipasok ang iyong pangunahing e-mail address.

    3. Sa kahon na Password, ipasok ang password para sa iyong Outlook Web App account, at pagkatapos, i-click ang Magpatuloy.

  3. Sa window na Papasok na Server ng Mail, ipasok ang sumusunod:

    1. Sa tabi ng Uri ng Account, piliin ang POP o IMAP. Sumusuporta sa mas maraming tampok ang IMAP.

    2. Sa kahon na Paglalarawan, magpasok ng pangalan na magpapaalala sa iyo kung para saan ang e-mail account na ito.

    3. Sa kahon na Papasok na Server ng Mail, ipasok ang pangalan ng server na IMAP4 o POP3. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano hanapin ang iyong paparating na (POP3 o IMAP4) pangalan ng server, tingnan ang Paano ko hahanapin ang mga setting ng server? sa bandang huli ng paksang ito.

    4. Sa kahon na User Name, ipasok ang iyong pangunahing e-mail address.

    5. Sa kahon na Password, ipasok ang password para sa e-mail account kung hindi pa ito ipinapakita sa field na iyon.

    6. I-click ang Magpatuloy. Susubukin ng mail ang iyong koneksyon sa papasok na server gamit ang mga default na setting.

      noteTandaan:
      Kung hindi tagumpay ang pagsubok, i-click muli ang Magpatuloy. Mabe-verify mo ang iyong mga setting pagkatapos mong makumpleto ang pamamaraang ito.
  4. Sa window na Papalabas na Server ng Mail, gawin ang sumusunod:

    1. Sa kahon na Paglalarawan, ipasok ang pangalan para sa server ng mail na ito, halimbawa, "server sa pagpapadala ng Outlook".

    2. Sa kahon na Papalabas na Server ng Mail , ipasok ang pangalan ng SMTP server. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano hanapin ang iyong papalabas na (SMTP) pangalan ng server, tingnan ang Paano ko hahanapin ang mga setting ng server? sa bandang huli ng paksang ito.

    3. Tiyaking pinili ang check box na Gamitin lamang ang server na ito.

    4. Piliin ang check box na Gamitin ang Pagpapatotoo. Lilitaw ang iyong user name at password na iyong ipinasok para sa papasok na server sa mga text box na User Name at Password. Pareho ang mga halagang ito para sa papalabas na server. I-click ang Magpatuloy.

    5. I-click ang Magpatuloy. Susubukin ng mail ang iyong koneksyon sa papalabas na server ng mail gamit ang mga default na setting.

      noteTandaan:
      Kung hindi tagumpay ang pagsubok, i-click muli ang Magpatuloy. Mabe-verfy mo ang iyong mga setting sa dulo ng pamamaraang ito.
  5. Kung gumagamit ka ng IMAP4, sa kahon na Buod ng Account, i-click ang Gumawa.

  6. Kung gumagamit ka ng POP3, inirerekumenda naming i-set up mo ang iyong client upang magpanatili ng kopya ng mga mensahe na iyong nababawi sa iyong lokal na computer sa server. Hinahayaan ka nitong i-access ang iyong mga mensahe mula sa iba't ibang mga mail program. Upang magpanatili ng kopya ng mga mensaheng ito sa server, gawin ang sumusunod:

    1. Sa kahon na Buod ng Account, i-clear ang check box na Dalin ang Account online, at pagkatapos, i-click ang Gumawa.

    2. Sa Mail, sa menu na Mail, i-click ang Mga Kagusuhan.

    3. Sa tab na Mga Account, sa pane na nabigasyon, piliin ang nais mong account.

    4. Sa kanang pane, i-click ang Advanced.

    5. I-clear ang check box na Alisin ang kopya mula sa server pagkatapos bumawi ng mensahe, at pagkatapos, isara ang window na Mga Account.

  7. Kung ayaw mong magpanatili ang Mail ng kopya ng iyong mga mensahe sa server, piliin ang check box na Dalin ang account online, at pagkatapos i-click ang Gumawa.

Paano ko hahanapin ang mga setting ng server?

Bago ka mag-set up ng POP3 o IMAP4 e-mail program, kailangan mong hanapin ang sarili mong POP3, IMAP4, at SMTP na mga setting ng server.

Panoorin ang video na ito upang matutunan kung paano hanapin ang iyong mga setting ng server para sa iyong POP o IMAP na e-mail program.

4873755a-8b1e-497e-bc54-101d1e75d3e7

Upang makita ang mga setting ng iyong server, mag-sign in sa iyong e-mail account gamit ang Outlook Web App. Pagkatapos mong mag-sign in, i-click ang Mga Pagpipilian > Tingnan ang Lahat ng Pagpipilian > Account > Aking Account > Mga Setting para sa access sa POP, IMAP, at SMTP. Ang pangalan ng POP3, IMAP4, at SMTP server at iba pang mga setting na maaaring kailanganin mong ipasok ay nakalista sa pahina ng Mga Setting ng Protocol sa ilalim ng Setting ng POP o setting ng IMAP, at setting ng SMTP.

noteTandaan:
Kung nakikita mo ang Hindi available kasunod ng setting ng POP, setting ng IMAP, at setting ng SMTP, maaaring hindi ma-set up ang iyong account upang gumamit ng POP o IMAP na mga e-mail program. Para sa mas marami pang impormasyon, makipag-ugnay sa taong namamahala ng iyong e-mail account.

Ano pa ang kailangan kong malaman?

  • Kung hindi mo alam kung gagamitin ang POP3 o IMAP4, isaalang-alang ang paggamit ng IMAP4 dahil mas marami itong sinusuportahang tampok.

  • Kung ang iyong e-mail account ay isang uri na nangangailangan ng pagpaparehistro, dapat mo itong iparehistro sa unang beses na mag-sign in ka sa Outlook Web App. Ang pagkonekta sa iyong e-mail account sa pamamagitan ng POP3 o IMAP4 ay mabibigo kung hindi mo pa naiparehistro ang iyong account sa Outlook Web App. Pagkatapos mong mag-sign in sa iyong account, mag-sign out. Pagkatapos ay subukang kumonekta gamit ang iyong POP3 o IMAP4 program. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-sign in sa iyong account gamit ang Outlook Web App, tingnan ang Paano Mag-sign In sa Iyong E-Mail Gamit ang Isang Web Browser. Kung nagkakaroon ka ng problema sa pag-sign in, tingnan ang Mga FAQ: Mga Isyu sa Pag-sign in at Password o makipag-ugnay sa taong namamahala ng iyong e-mail account.

  • Kung hindi kumokonekta ang Mail, maaaring kailanganin mong i-verify na naka-set up ang Mail para magpadala at tumanggap ng mail gamit ang settng sa seguridad na kilala bilang Secure Sockets Layer (SSL). Mabe-verify mo na naka-set up ang Mail na gumamit ng SSL tulad ng sumusunod:

  1. Sa Mail, i-click ang Mail > Mga Kagustuhan >Mga Account.

  2. Sa tab na Mga Account, piliin ang account na nais mo, at pagkatapos, i-click ang Advanced.

  3. Sa tab na Advanced:

    1. Tiyaking pinili ang Gamitin ang SSL.

    2. Tiyaking 993 ang Port kung gumagamit ka ng IMAP4. 995 dapat ang Port kung gumagamit ka ng POP3.

    3. Siguraduhing Password ang Pagpapatotoo.

    4. Tiyaking walang laman ang text box na Domain Name.

  4. Sa tab na Impormasyon sa Account:

    1. Sa ilalim ng Papalabas na Server ng Mail (SMTP), tiyaking pinili ang Gamitin lamang ang server na ito.

    2. Sa ilalim ng Papalabas na Server ng Mail (SMTP), i-click ang drop-down na menu, at pagkatapos, i-click ang I-edit ang Listahan ng Server > Advanced.

    3. Sa ilalim ng Port ng server, tiyaking napili ang Gamitin ang Secure Sockets Layer (SSL).

    4. Tiyaking 25 ang Port ng server.

    5. Sa ilalim ng Pagpapatotoo, i-verify na pinili ang Password, at pagkatapos, i-click ang OK.

Paano kung nais kong makaalam nang higit pa?

 
Mga nauugnay na paksa ng tulong
Naglo-load...
Walang natagpuang mga mapagkukunan.