Gumawa ng Mensahe

 

Nalalapat sa: Office 365 for professionals and small businesses, Office 365 for enterprises, Microsoft Exchange, Live@edu

Huling binagong paksa: 2011-11-23

Maaari kang gumawa ng mga mensahe sa bagong form ng mensahe. Ito ang parehong form na ginamit para sa pagtugon sa at pagpapasa ng mga mensahe.

Paano ako gagawa ng bagong mensahe?

  1. Sa anumang folder ng mail, i-click ang Bago bagong mensahe, o pindutin ang CTRL+N sa keyboard.

    Maaari ka rin gumawa ng bagong mensahe habang tinitingnan mo ang address book. Sa toolbar, i-click ang Address Book address book, at pagkatapos gamitin ang text box ng paghahanap upang hanapin ang tao o grupo na nais mong padalhan ng mensahe. I-right-click ang pangalan ng tatanggap na nasa listahan, at pagkatapos ay i-click ang gumawa ng mensahe sa contactBagong Mensahe.

  2. Ipasok ang mga tagatanggap na nais mong nasa mga linyang Para kay at Cc . Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa mga tagatanggap, tingnan ang Magdagdag o Mag-alis ng Mga Tagatanggap.

  3. Mag-type ng paksa.

  4. I-type ang iyong mensahe sa katawan ng mensahe.

  5. Kapag tapos ka na sa pagta-type ng mensahe, i-click ang ipadalaIpadala o pindutin ang ALT+S upang ipadala ito.

Ano pa ang kailangan kong malaman?

  • Maaari kang bigyan ng pahintulot ng iyong administrator na magpadala bilang ibang tao sa iyong samahan. Matapos ma-configure ang pahintulot upang payagan kang magpadala bilang ang taong iyon, magagamit mo ang linyang Mula kay upang gumawa ng mensahe kung saan ang taong iyon ay nakalista bilang ang nagpadala. Upang gawing available ang linyang Mula kay, i-click ang Mga Pagpipilian sa toolbar ng mensahe, tingnan ang Ipakita ang Mula kay, pagkatapos ay i-click ang OK upang bumalik sa window ng mensahe. Upang gamitin ang linyang Mula kay, i-type ang pangalan ng taong binigyan ka ng pahintulot na magpadala bilang siya, o i-click ang pababang arrow sa tabi ng Mula kay, piliin ang Iba pang e-mail address, pagkatapos ay piliin ang address na nais mong magpadala bilang sa Address Book.

    Maaari mong gamitin ang seksyong Mga Pagpipilian sa Mensahe ng Tab ng Mail upang i-on ang linya ng Mula kay para sa lahat ng mensahe.

  • Kapag tumugon ka sa isang mensahe, pinunan na ang impormasyon ng heading na (Para Kay, Mula Kay, at Paksa) para sa iyo. Kapag nagpasa ka ng mensahe, iiwan sa iyo para punan ang Para kay. Upang matuto nang higit pam tingnan ang Tumugon Sa o Magpasa ng Mensahe.

  • Kapag gumagawa ka ng mensahe, maaari mong itakda ang format ng mensahe sa HTML o Plain text gamit ang listahan na nasa taas ng form ng mensahe. Kung pipiliin mo ang HTML, lalabas ang toolbar na pang-format ng teksto sa ibabaw ng katawan ng mensahe. Maaari mong gamitin ang toolbar upang baguhin ang font ng buong mensahe o mga bahagi na pipiliin mo. Bilang karagdagan sa default na mga pagpipilian sa pag-format, maaari kang magdagdag ng mga opsyon sa toolbar sa pamamagitan ng pag-click sa I-customize icon ng pagpapalawak sa dulo ng toolbar na pang-format at pagkatapos ay pagpili sa check box sa tabi ng pagpipiliang nais mong idagdag. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-format ng mga mensahe, tingnan ang Mag-format ng Mga Mensahe.

  • Kung nagpapadala ka ng malaking bilang ng mga e-mail message, o kaunting mga mensahe sa isang malaking grupo ng mga tagatanggap, maaaring maabot mo ang limitasyon sa pagpapadala para sa iyong mailbox. Ang limitasyon sa pagpapadala ay batay sa bilang ng mga tagatanggap na pinapadalhan mo ng mga mensahe sa loob ng 24 na oras at nagbabagu-bago depende sa mga setting ng iyong samahan. Kung lumampas ka sa limitasyong iyon, makakakita ka ng babala sa susunod na pagkakataong subukan mong magpadala ng mensahe.

    Ang e-mail na iyong ginagawa habang nasa limitasyon sa pagpapadala ay awtomatikong mase-save sa iyong folder ng Mga Draft. Matapos maghintay nang ilang sandali, maaari mong buksan ang e-mail mula sa iyong folder ng Mga Draft at subukang muli na ipadala ito. Kung lampas ka pa rin sa limitasyon sa pagpapadala, makikita mong muli ang mensahe ng babala. Mananatili ang e-mail sa folder ng Mga Draft hanggang sa ipadala o tanggalin mo ito. Kung naghintay ka nang buong 24 na oras at nakakatanggap pa rin ng parehong babala kapag sinubukan mong magpadala ng mensahe, subukang bawasan ang bilang ng mga tagatanggap.

  • Magagamit ang mga sumusunod na opsyon sa toolbar kapag gumawa ka ng mensahe.

     

    Pindutan Paglalarawan

    ipadala Ipadala

    Ipinapadala ang mga mensahe sa mga tatanggap.

    i-save

    Isine-save ang mensahe na nasa folder ng Draft ngunit hindi ipinapadala ang mensahe.

    icon ng attachment

    Naglalakip ng file sa mensahe. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-attach ng mga file, tingnan ang Paggawa gamit ang Mga Kalakip.

    address book

    Binubuksan ang Address Book upang maghanap sa mga pangalan ng tatanggap.

    suriin ang mga pangalan

    Sinusuri ang mga pangalan ng mga tatnggap ng mensahe na nasa Address Book o sa folder ng iyong Mga Contact. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano magresolba ng mga pangalan, tingnan ang Magdagdag o Mag-alis ng Mga Tagatanggap.

    mataas ang kahalagahan

    Itinatakda ang kahalagahan ng mensahe sa Mataas.

    mababa ang kahalagahan

    Itinatakda ang kahalagahan ng mensahe sa Mababa.

    lagda

    Nagdaragdag ng lagda sa dulo ng mensahe. Para sa mas higit pang impormasyon tungkol sa mga lagda, tingnan ang Magdagdag ng Lagda.

    Kailangan mong gumawa ng lagda bago may gawin ang pindutang ito.

    suriin ang pagbabaybay

    Sinusuri ang pagbaybay sa text ng mensahe. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano magsuri ng spelling, tingnan ang Matutunan ang Tungkol sa Spelling.

    Mga Opsyon

    Idini-display ang dialog box ng Mga Opsyon ng Mensahe. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa mga pagpipilian sa mensahe, tingnan ang Magtakda ng Mga Pagpipilian sa Mensahe.

    Listahan ng Format ng Mensahe

    Itinatakda ang format ng mensahe sa HTML o Plain text. Para sa marami pang impormasyon tungkol sa kung paano magtakda ng format, tingnan ang Mag-format ng Mga Mensahe.

Paano kung nais kong makaalam nang higit pa?

 
Mga nauugnay na paksa ng tulong
Naglo-load...
Walang natagpuang mga mapagkukunan.