I-set Up ang Exchange ActiveSync Access sa Iyong Mailbox

 

Nalalapat sa: Office 365 for professionals and small businesses, Office 365 for enterprises, Microsoft Exchange, Live@edu

Huling binagong paksa: 2013-01-21

Kung mayroon kang isang Windows Mobile phone o isang mobile phone na sumusuporta sa Exchange ActiveSync, maaari mong gamitina ng iyong mobile phone upang i-access ang iyong mailbox. Maaari mong i-access ang iyong mga mensaheng e-mail, mga appointment at pulong, mga contact, mga gawain, at mga mensaheng voice mail sa iyong mobile phone.

Maaari kang mag-set up ng isang Windows Mobile phone upang ma-access ang impormasyon sa iyong mailbox. Maaari mong i-synchronize ang iyong mobile phone sa isa lamang mailbox. Maaari mo din i-set up ang iyong mailbox sa Exchange Labs upang tumanggap ng mga mensaheng voice mail mula sa iyong mobile phone.

Para sa mga partikular na tagubilin tungkol sa kung paano i-set up ang karamihan sa mga sikat na mobile phone, tingnan ang Mga Tampok ng Mobile Phone.

Paano ko ise-setup ang Exchange ActiveSync sa isang Windows Mobile 6.0 phone?

  1. Sa mobile phone, i-click ang Simula sa home screen, at pagkatapos ay i-click ang ActiveSync.

  2. I-click ang Menu, at pagkatapos ay i-click ang Isaayos ang Server.

  3. Ipasok ang address ng server. Ang address ng server ay m.outlook.com.

  4. Piliin ang check box ng Kinakailangan ng server na ito ang isang naka-encrypt na koneksyon (SSL).

  5. I-click ang Susunod.

  6. Ipasok ang iyong user name, password, at domain. Dapat na kasama sa user name ang iyong pangalan, simbolong at (@), at pangalan ng iyong domain. Halimbawa, ang username ay maaaring tony@contoso.com.

  7. Piliin ang check box na I-save ang password.

  8. I-click ang Susunod.

  9. Piliin ang check box na katabi ng bawa’t uri ng impormasyon na gusto mong i-synchronize sa server, at pagkatapos ay i-click ang Tapos na.

Paano ko ise-setup ang Exchange ActiveSync sa isang Windows Mobile 5.0 phone?

  1. Sa mobile phone, i-click ang Simula sa home screen, at pagkatapos ay i-click ang ActiveSync.

  2. I-click ang Menu, at pagkatapos ay i-click ang Isaayos ang Server.

  3. Ipasok ang address ng server. Ang address ng server ay m.outlook.com.

  4. Piliin ang check box ng Kinakailangan ng server na ito ang isang naka-encrypt na koneksyon (SSL).

  5. I-click ang Susunod.

  6. Ipasok ang iyong user name, password, at domain. Dapat na kasama sa user name ang iyong pangalan, simbolong at (@), at pangalan ng iyong domain. Halimbawa, ang username ay maaaring tony@contoso.com.

  7. Piliin ang check box na I-save ang password.

  8. I-click ang Susunod.

  9. Piliin ang check box na katabi ng bawa’t uri ng impormasyon na gusto mong i-synchronize sa server, at pagkatapos ay i-click ang Tapos na.

Paano ko ise-set up ang Exchange ActiveSync sa Apple iPhone?

  1. Tapikin ang Mga Setting > Mail, Mga Contact, Mga Kalendaryo > Magdagdag ng Account.

  2. Tapikin ang Microsoft Exchange.

  3. Wala kang kailangang ilagay sa kahong Domain. Ilagay ang impormasyong hinihiling sa mga kahong Email, Username, at Password. Kailangan mong ilagay ang iyong buong e-mail address sa mga kahong Email at Username (halimbawa, tony@contoso.com).

  4. Tapikin ang Susunod sa itaas na kanang sulok ng screen. Susubukang hanapin ng iyong iPhone ang mga setting na kailangan nito upang i-set up ang iyong account. Pumunta sa hakbang 7 kung mahanap ng iyong iPhone ang iyong mga setting.

  5. Kung hindi mahanap ng iyong iPhone ang iyong mga setting, kakailanganin mong manu-manong hanapin ang pangalan ng iyong Exchange ActiveSync server. Para sa mga tagubilin sa kung paano tukuyin ang pangalan ng iyong server ng Exchange ActiveSync, tingnan ang seksyong Paghahanap ng Pangalan ng Aking Server sa ibaba.

  6. Sa kahong Server, ilagay ang pangalan ng iyong server, at pagkatapos ay tapikin ang Susunod.

  7. Piliin ang uri ng impormasyong gusto mong i-synchronize sa pagitan ng iyong account at iyong device, at pagkatapos ay pindutin ang I-save. Bilang default, sini-synchronize ang impormasyon ng Mail, Mga Contact, at Kalendaryo.

    CautionMag-ingat:
    Kung na-prompt kang gumawa ng passcode, tapikin ang Magpatuloy at maglagay ng numerong passcode. Kung hindi ka magse-set up ng passcode, hindi mo matitingnan ang iyong e-mail account sa iyong iPhone. Maaari kang mag-set up ng passcode sa ibang pagkakataon sa Mga Setting ng iPhone.

Ano pa ang kailangan kong malaman?

  • Kung ang iyong e-mail account ay isang uri na nangangailangan ng pagpaparehistro, dapat mo itong iparehistro sa unang beses na mag-sign in ka sa Outlook Web App. Mabibigo ang pagkonekta sa iyong e-mail account sa pamamagitan ng mobile phone kung hindi mo pa naipaparehistro ang iyong account sa pamamagitan ng Outlook Web App. Pagkatapos mong mag-sign in sa iyong account, mag-sign out. Pagkatapos ay subukang kumonekta gamit ang iyong mobile na telepono. Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-sign in sa iyong account gamit ang Outlook Web App, tingnan ang Paano Mag-sign In sa Iyong E-Mail Gamit ang Isang Web Browser. Kung nagkakaroon ka ng problema sa pag-sign in, tingnan ang Mga FAQ: Mga Isyu sa Pag-sign in at Password o makipag-ugnay sa taong namamahala ng iyong e-mail account.

  • Kapag isinaayos mo ang iyong Windows Mobile phone upang i-synchronize sa iyong mailbox, isang patakaran sa mailbox ng Exchange ActiveSync ang ipapataw sa iyong telepono. Hinahayaan ka ng patakaran na ito na magsagawa ng remote na pagbubura ng aparato mula sa iyong mobile phone.

  • Maaari ka lang magkaroon ng isang account sa Exchange ActiveSync na nakakompigura sa iyong Windows Mobile phone. Kung gusto mong baguhin ang account sa Exchange ActiveSync sa iyong mobile phone, dapat mo munang tanggalin ang umiiral nang account, at pagkatapos ay idagdag ang bagong account.

 
Mga nauugnay na paksa ng tulong
Naglo-load...
Walang natagpuang mga mapagkukunan.